April 25th, 2006

Pwede magtanong?

Paano kaya kung perpekto tayong lahat? Kung lahat tayo nagmamahalan, nagbibigayan, nagsisiyahan at magkakaibigan? Paano kaya kung perpekto ang mundo? Sana utopia nalan noh? Para parang langit na sa Mundo at wala ng hirap? Siguro ang saya kung lahat ng ninanais natin makukuha dahil lahat tayo'y nagbibigayan at nagpapasensyahan, noh? Pero kung ganun ang mundo, may silbi pa kaya ang langit? Maniniwala pa ba tayo sa Diyos? Bakit naman hindi? Problema lang ba ang dahilan kung bakit tayo naniniwala sa Diyos? At pagpapasalamat sa Diyos pagnalagpasan ang problema? At gawing dahilan ang Diyos sa mga masama at mabubuting pangyayari dahil ito ang nais ng Diyos? Kaya lang ba tayo naniniwala dahil takot tayo sa kakalabasan ng kamatayan? Takot mapunta sa hell? Ano ba? Bakit di nalang ginawa ng Panginoon na perpekto para masaya Siya at pati na rin tayo? Si Adan at Eba pa kasi nagsala e, diba? Nasa garden of eden sana tayo ngayon noh? Ano kayang itsuro nun? Pero mas gustong malaman, ano kaya ang pakiramdam dun?

Pero kung Perpekto ang mundo, di kaya maging boring? Ano ba ang nagpapakulay sa mundo? Siguro kung "perpeko" nga ang mundo, may masaya pa kaya? Kasi paano mo malalaman ang pakiramdam ng kasayahan kung hindi mo alam ang pakiramdam ng pagiging malungkot? Paano ka magiging matapang kung wala ka naman dapat katakutan? Paano mo malalaman ang pagiging excited kung alam mo namang lahat ng darating sayo maganda? Siguro ang silbi ng problema sa buhay ay para rin natin matutunan ang ibig sabihin ng kabaligtaran nito-ang pakiramdam ng walang problema-kasayahan, pagpapasalamat, pagpupuri, pagmamahal, kagalakan at kung anu ano pang mga emosyon, noh? Tingin mo?

Pero bakit tayo magmamahal e masasaktan rin naman tayo? Bakit tayo magiging kaibigan kung magiging mag-kaaway rin tayo? Bakit tayo lalapit kung iiwas rin tayo? Bakit magprapractice kung magkakamali rin pala tayo? Bakit tayo magsusummer kung wala naman palang magawa? BAKIT? Bakit pa tayo nabubuhay kung mamatay rin tayo??? Ha? Ha? Sagutin mo ako, pwede? Ano ba ang silbi ng buhay? Ano ba ang ibig sabihin ng buhay? Bakit nga ba tayo nabubuhay ng mga ibat ibat salungat na pangyayari na hindi natin maintindihan? Bakit ang daming ironies ng buhay? Bakit? Higit sa lahat, bakit ako nagsusulat dito sa blog ko at tinatanong toh sa mga tao,e wala rin namang makakasagot? Kung meron, pwdeng pakisagot ako? Salamat ha?

 

Ano? Nababaliw ka na ba o naiinis na sa mga pinagtatanong ko? Sorry ha? Masama ba magtanong?

Currently feeling: pensive
Posted by poetindisguise at 11:35 AM | Add a Comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: